SINIRA ng Cavite police ang mahigit P270,000 halaga ng ilegal na mga paputok matapos namang ibabad sa limang drum ng tubig.
“The firecrackers, among them the explosive types like piccolo and Judah’s belt, would then be buried in a pit in Dasmariñas City,” sabi ni Cavite police chief Col. Marlon Santos.
Nakumpiska ang mga ipinagbabawal na mga paputok sa mga nagtitinda sa isang serye ng operasyon sa Cavite simula Disyembre 26.
Sinabi ng regional Department of Health na naitala ang Cavite bilang pinakamaraming bilang ng mga nasugatan sa rehiyon dahil sa mga paputok kung saan nakapagtala ng 34 kaso.
Sinabi ng pulisya na umabot sa 61 kaso ang naitala, bagamat karamihan ay mga bahagyang paso o galos lamang.
“I would also like to point out that majority or 46 of the incidents were caused by ‘legal’ firecrackers like sparklers and fountains,” sabi ni Santos.