Melai umamin sa harap ni Jason: nagselos kay Ivana Alawi

DIRETSONG inamin ni Kapamilya TV host-comedienne Melai Cantiveros na isang sexy star ang huli niyang pinagselosan sa anim na taon nilang pagsasama ng asawang si
Jason Francisco.

Ayon kay Melai, natural lang naman sa isang asawa ang magselos pero huwag daw sana itong pagmulan ng away ng mag-asawa. Sa guesting ng showbiz couple sa Tonight with Boy Abunda inamin ni Melai na ang huling babaeng pinagselosan niya ay ang actress-vlogger na si Ivana Alawi.

“Ivana Alawi, ako naman si Ivana Mulawi,” natatawang pahayag ni Melai nang tanungin ni Jason sa Fast Talk segment.

Dito rin inamin ng komedyana na ilang beses nang nalagay sa alanganin ang pagsasama nila ni Jason, “Many times na talaga. Sa marriage kasi marami talaga ‘yung mga hindi pagkakaintindihan at tsaka kasabay ko nga din siya nagma-mature.

“Kasabay din niya ako nagma-mature doon namin mas nakikilala ang isa’t isa kung paano kami sa relasyon namin,” sey pa ni Melai.

Na-develop sina Jason at Melai nang maging housemates sa Pinoy Big Brother: Double Up edition noong 2009. Nagsimula lang sa tuksuhan ang lahat hanggang sa mabuo nga sa loob ng Bahay Ni Kuya ang tambalan nilang “MelaSon”.

Ikinasal ang dalawa noong 2013 at biniyayaan ng dalawang anak na babae, sina Amelia Lucille at Stella Rosalind.

Read more...