NAKAAKYAT na ang pelikulang “Write About Love” ng TBA Studios sa huling puwesto ng mga entry sa ginaganap pa ring 2019 Metro Manila Film Festival.
Balitang nadagdagan na ang mga sinehan ng pelikula dahil na rin sa clamor ng mga taong gustong mapanood ang movie.
Malaking tulong ang walong awards na nakuha ng entry nina Rocco Nacino, Miles Ocampo, Yeng Constantino at Joem Bascon.
Magaganda rin naman kasi ang reviews nito at kakaiba ito sa usual romantic comedies na nakakaumay nang panoorin.
Congratulations sa lahat ng cast members ng movie at sa TBA Studios sa pagbibigay sa publiko ng magandang pelikula this Christmas!
MOST READ
LATEST STORIES