Walang nasawi, bagamat 21 arestado sa pagpapaputok ng baril sa kapaskuhan

UMABOT sa 21 katao ang naaresto dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ayon sa National Police.

Sinabi ni Brig. Gen. Bernard Banac, PNP spokesman, na nakapagtala ang PNP ng 324 insidente ng firecrackers, stray bullets, at ilegal na pagpapaputok ng baril simula noong Disyembre 16, 2019, mas mababa kumpara sa 798 na naitala noong 2018.

Samantala, nakapagtala naman ng 81 kaso ng mga nasugatan dahil sa mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Three stray bullet incidents were reported, but these did not result in injuries, ayon pa sa PNP.

Nakapagtala naman ng 21 hiwalay na mga kaso ng ilegal na pagpapaputok ng baril, kung saan pito ang nasugatan.

Idinagdag ni Banac na kabilang sa mga naaresto dahil sa pagpaputok ng baril ang 14 na sibilyan, isang pulis, dalawang sundalo, isang militiaman, at tatlo security guard.

“They will face the stiffest criminal and administrative sanctions appalicable,” sabi ni Banac.

Kabilang sa mga naaresto ay ang Chinese national Kimy Chan. Naaresto si Chan sa mismong Pasko sa harap ng isang music bar sa kahabaan Roxas Boulevard, Pasay City.

Umabot naman sa 44 iba pa ang inaresto dahil sa firecracker-related offenses, dagdag ba pa ni Banac.

Read more...