P94M Ultra Lotto jackpot hindi nasungkit

WALANG tumama sa mahigit P94 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa huling bola ng 2019.

Kaya lalong lalapit ang jackpot prize sa P100 million-mark sa bola ng Ultra Lotto sa Biyernes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 28 -21 -14 -52 -46 -29. Umabot sa P94.5 milyon ang jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P265,270 ang dalawang mananaya na nakalimang numero.

Tig-P2,290 naman ang 185 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 5,021 mananaya na nakatatlong numero.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...