2 sugatan, 600 pamilya apektado ng sunog sa Bagong Taon sa Maynila

TINATAYANG 600 pamilya ang apektado ng sunog matapos itong sumiklab sa isang residential area sa Sta. Ana, Maynil ilang oras lamang pagkatapos ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Base sa on-scene spot report mula sa city fire department, sinabi nito na nagsimula ang sunog ganap na alas-3:50 ng umaga.

Itinaas ang Task Force Bravo ganap na alas-5:20 ng umaga.

Idineklarang kontrolado ang apoy ganap  na alas-6:45 ng umaga.

Ayon pa sa ulat, dalawa ang nasugatan bunsod ng sunog.

Base sa pagtaya ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), umabot sa P2.5 milyon ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

Read more...