SIGURADONG marami na naman ang magtataas ng kilay at maiinggit sa estado ng lovelife ngayon ng komedyanteng si Kiray Celis.
Sa latest post niya sa Instagram, makikita ang sweet photo nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na may mahabang mensahe. Dito ibinandera niya ang kanyang pagmamahal sa bagong dyowa.
Narito ang ilang bahagi ng kanyang mensahe: “Simula ng makilala ka, nagbago ang pananaw at saya. Pwede palang matulog na panatag at hindi mabigat ang puso.
“Pwede palang gumising na alam mong hindi ka niloloko at alam mong sayo lang yung taong mahal mo…
“Deserve natin mahalin ng tayo lang. deserve natin irespeto. Deserve natin sumaya. DESERVE NATIN NG KAGAYA NILA.”
MOST READ
LATEST STORIES