Gretchen Ho napiling torchbearer sa 2020 Tokyo Olympics

EXCITED na ang Kapamilya TV host-athlete na si Gretchen Ho sa magiging partisipasyon niya sa gaganaping Tokyo 2020 Summer Olympics.

Eh, isa lang naman siya sa mga napiling maging torchbearer sa inaabangang torch relay na magsisimula sa March 26, 2020 sa Fukushima prefecture at tatagal ng 121 days.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Gretchen ang magandang balita, “GREAT NEWS TO END 2019. Guess who’s going to be a torchbearer at the @Tokyo2020 Olympics??? Every athlete’s dream!!!” caption ng dalaga sa kanyang IG post.

Dagdag pa ni Gretchen, “I. Just. Can’t. Wait. For the new year to begiiiin! #tokyo2020.”

Dating player ng Ateneo Lady Eagles si Gretchen hanggang sa naging professional volleyball player para sa Petron Blaze Spikers na lumaban sa Philippine Super Liga mula 2013 hanggang 2015.

Inaasahan namang aabot sa 10,000 torchbearers ang makikibahagi sa Summer Olympics 2020 na may theme na “Hope Lights our Way.” Ang Tokyo Olympics opening naman ay magaganap sa July 24, 2020.

Read more...