Horoscope, Dec. 30, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Sa Bagong Taong paparating, matutong magpasalamat sa mga biyayang natatangap upang ang kasaganaan ay tuloy-tuloy na maranasan sa buong taong 2020. Sa lovelife, sa pagtatapos ng 2019 at pagpasok ng 2020, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Markahan ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45. Pink at lilac ang buenas na kulay. Swerte sa initial na S. at A.
Aries – (Marso 21-April 19)–Para magiging masagana ang 2020, dapat na magbubukas ng bagong dagdag na pagkakakitaan. Sa lovelife, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Leo na hindi pa rin nagsasawa sa iyong kagandahan. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 43 at 49. Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na P. at C.
Taurus – (April 20-May 20)–Kulang ka sa libido kaya mabagal ang pag-unlad. Sa taong 2020, dagdag na ehersisyo at pagkain ng gulay at prutas ang dapat upang umangat ang resistensya at enerhiya. Sa lovelife, ipagluto ng masarap na ulam ang kasuyo upang muling uminit ang inyong nanlalamig na relasyon. Markahan ang 6, 15, 33, 39, 42, at 47. Lilac at purple ang buenas. Swerte sa initial na J. at K.
Gemini – (May 21-June 21)– Sa 2020 habang kilos ng kilos, patuloy ang paglago at pagdami ng kabuhayan. Sa lovelife isang nakakikilig na romansa ang magbubukas ng taong 2020. Markahan ang 4, 14, 23, 31, 35, at 49. Gold at pink ang buenas. Swerte sa initial na W. at S.
Cancer – (June 22- July 22)–Magtiwala sa kasuyo, sa taong 2020 makakatisod din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi ka mag-iipon, sino pa ang maaasahan para sa future? Sa lovelife, magpaparamdam at biglang mag te-text ang dating minamahal. Markahan ang 5, 14, 22, 37, 41 at 47. Blue at orange ang buenas. Swerte sa initial na C. at F.
Leo – (July 23 – August 22)– Sa 2020 darating na ang pinakahihintay mong suwerte at magandang kapalaran. May mabungang pangingibang bansang itatala. Sa lovelife, matutugunan na rin ng kapwa pag-ibig ang pag-ibig na matagal nang inililihim sa isang Aries. Markahan ang 3, 9, 18, 27, 38, at 42. Lilac at pink ang buenas. Swerte sa initial na O. at P.
Virgo – (August 23 – September 22)–Sa 2020 kung lagi kang may kadebate paano papasok ang maraming pera? Panatiliin ang pagiging mahinahon. Sa lovelife, hayaang ang ideya ng kasuyo ang siyang masunod. Markahan ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Violet at green ang buenas. Swerte sa initial na L. at T.
Libra – (September 23-October 23)–Sa isang hindi sinasadyang pangyayari nakakikilig na relasyon ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansiyal sa tulong ng isang kaibigang Taurus dagdag na kita ang matatangap. Markahan ang 9, 18, 26, 34, 44 at 49. Gold at red ang buenas. Swerte sa initial na V. at R.
Scorpio – (October 24 – November 21)–May magte-text, may magandang balita kang matatanggap. May mag-aabot ng malaking halaga. Sa lovelife ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-the-best, puntahan na ang kasuyong matagal ka nang nami-miss! Markahan ang 4, 18, 33, 42, 47 at 49. Violet at beige ang buenas. Swerte sa initial na G. at A.
Sagittarius – (November 22 – December 21)–Dagdag na pahinga ang kailangan upang magbalik ang dating sigla. Umuwi muna sa probinsiya upang magninilay-nilay at mag-relaks-relaks. Sa lovelife, laging isama ang kasuyo saan man magpunta. Markahan ang 2, 10, 28, 34, 42, at 49. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na Y. at T.
Capricorn – (December 22 – January 19)–Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa lovelife, isang bongang-bonggang romansa ang naghihintay sa pagpasok ng 2020. Sa pinansiyal, ituloy ang iniisip na negosyo kahit maraming komokontra. Markahan ang 2, 16, 20, 29, 34, at 43. White at green ang buenas. Swerte sa initial na P. at G.
Aquarius – (January 20 – February 18)–Sa taong 2020 papaboran ng langit ang lahat ng iyong mga hinihiling. Ang mga suliraning dating gumugulo sa isip mo ay isa-isa ng lilisan, upang palitan ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran halos hindi mo rin mapaniwalaan kung paano nangyari yon. Markahan ang 1, 9, 18, 27, 33, at 45. Green at lilac ang buenas. Swerte sa initial na N. at S.
Pisces – (February 19 – March 20)–Huwag iispin na malayo ka pa sa nais mong marating. Sa 2020 hindi mo mamamalayan abot-kamay mo na ang tagumpay. Sa lovelife, hinihintay ka ng kasuyo wag nang magdalawang isip lundagin mo na siya, agad – ngayon! Markahan ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.

Read more...