Sunog sumiklab sa Tondo, Maynila

SUMIKLAB ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila Linggo ng umaga, ayon sa Manila Fire Department.

Sinabi ng city fire department na naabo ang maraming bahay sa kahabaan ng Gate 10 ng Parola Compound, Tondo ganap na alas-10:45 ng umaga.

Makalipas ang 24 minuto, itinaas ang sunog sa ika-apat na alarma.

Idineklara itong kontrolado makalipas ang 30 minuto.

Tuluyang naapula ang apoy ganap na alas-1:19 ng hapon.

Read more...