UMABOT na ang mga biktima ng pagpapaputok sa kabuuang bilang na 46 ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ng DOH na magkapareho ang mga kaso ng naitala mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 29, 2019 at noong 2018, bagamat 64 porsiyentong mas mababa kumpara sa nakalipas na limang taon.
Idinagdag ng DOH na pawang biktima ang mga nasugatan ng mga paputok at wala pang naitala na kaso ng paggamit ng baril at nakakain ng mga firecrackers.
Wala pa ring naitalang kaso ng pagkamatay dulot ng pagpapaputok.
Sa kabuuang bilang ng mga nasugatan, naitala ang pinakamataas na kaso sa National Capital Region (NCR) kung saan naiulat ang 18 kaso, na sinundan ng Region I na may limang kaso. Tig-apat naman ang kasong naitala sa CALABARZON, Regions II, at V.