34M halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite

ARESTADO ang mag-asawa sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City, Cavite, ayon sa mga otoridad.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Cavite police at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang mall sa Barangay Tanzang Luma 1 ganap na alas-9:30 ng gabi, kahapon.

Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sina Emard at Gretchen Jimenez, kapwa residente ng Taguig City.

Narekober mula sa mga suspek ang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon.

Sinabi ni Cavite police chief Col. Marlon Santos na nasa kustodiya na ng PDEA ang mag-asawa at sumasailalim sa imbestigasyon.

Read more...