Patola King and Queen 2019: Silang mga resbaker kontra epal na bashers

VICE GANDA, JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO, HEART EVANGELISTA, KRIS AQUINO, REGINE VELASQUEZ, SHARON CUNETA, ROBIN PADILLA AT AGOT ISIDRO

MAY mga artistang dedma lang kahit sagad na sa buto ang pambabastos at panglalait sa kanila ng mga bashers sa social media. Pero marami rin ang talagang rumeresbak kapag below the belt na ang mga pang-aalipusta sa kanila.
Sa nakaraang 12 buwan, inisa-isa namin ang mga kilalang celebrities na pumatol sa kanilang haters dahil feeling nila, sobra na ang pamba-bash ng mga ito kaya kailangang turuan na ng leksiyon. Narito ang ilan sa mga artistang “resbaker,” na tatawagin nating Patola King & Queen 2019!

ANDI EIGENMANN: Mula pa noon ay palaban na ang anak ni Jaclyn Jose na maagang nag-retire sa showbiz. Marami siyang pinatulang bashers ngayong taon pero ang talagang nagmarka sa madlang pipol ay ang sagot niya sa isang epal na netizen na nagsabing dapat daw at nagpakasal muna siya bago nagpabuntis uli sa bago niyang dyowa.

“You are in no place to tell me how I should lead my life. More so, tell me that I am ‘sayang’ because I am happily pregnant at 28. I don’t expect nor intend for everyone to be pleased by how I see life, but your negativity is very unnecessary.”

JESSY MENDIOLA: Wala pa ring kupas ang pagiging Dyosa ng mga Patola ng girlfriend ni Luis Manzano. Ilang taon na rin ang relasyon nila pero ayaw pa ring tantanan ng haters ang dalaga at patuloy pa rin siyang tinatawag na ahas dahil inagaw daw niya si Luis kay Angel Locsin – at dapat daw ay aminin na niya ito.

“Bakit ako aamin ng hindi totoo? ‘Yung mga basher, hindi nila alam ang totoong nangyari. Bakit ako aamin, para lang tumigil sila? Para lang matahimik sila? Ang basher kahit ano’ng sabihin mo, hindi nila tatanggapin ‘yun. Ilang beses ko nang sinagot sa mga interview noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi.”

LUIS MANZANO: Hindi rin pinalalampas ng TV host-comedian ang mga bashers na nagdudunung-dunungan lalo na kapag si Jessy na ang nilalait ng mga ito. Inis na inis si Luis kapag may nagtatanong kung kailan ba sila magpapakasal o kung may balak ba talaga siyang pakasalan si Jessy.

“So dapat kami mag-a-adjust sa time table na gusto niya? Hahahaha. ‘Yung totoo sana… ‘yung kabobohan n’yo namana ba ‘yan o sa inyo nagsimula ‘yan? @clairessfernandez, ganito na lang, ang pakialaman mo buhay ni @karendeecr at siya sa buhay mo, para ‘di na kami makialam sa away ng mga bobo.”

HEART EVANGELISTA: Sa kabila ng ginagawa niyang mga charity works, meron pa ring nasasabing negatibo ang ibang tao. Kamakailan lang ay kinuwestiyon pa ang ginawa niyang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad at tinawag pa siyang mapagpanggap at plastik. Hindi ito pinalampas ng Kapuso actress at talagang niresbakan ang hater.

“You may say what you want. I am only answerable to God. Life is too short my dear (if you only knew the battles we all face and how fast our time here on earth is). Do good and do everything from your heart. At the end of the day I did my part… I served my purpose. Pray before you post.”

KRIS AQUINO: Isa ang TV host-actress sa mga sikat na celebrities na walang keber kung sumagot sa mga negang netizen na walang ginawa kundi ang mang-okray at mambastos ng kapwa sa social media. Mapapalagpas niya ang panglalait sa kanya pero hindi kinaya ng powers ni Tetay ang pagtawag sa dalawa niyang anak na “The Autistics.”

“Why my sons? Especially Kuya Josh? Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person, ‘Sorry, now I know what it’s like to be a killer?’ You aren’t a fan. You are a despicable coward. Never po ako nagsimula ng away pero kilala niyo na ako, ‘wag ang mga magulang ko at ‘wag ang mga anak ko ang bababuyin kung ayaw lumabas ang pangil ko. Simple lang, di ba.”

ROBIN PADILLA: Kung may isang male celebrity na wala ring takot sumagot sa kanyang haters, ‘yan ay walang iba kundi ang asawa ni Mariel Rodriguez, lalo na kung ang isyu ay may kinalaman sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng pagiging makabayan. Nang minsang kuwestiyunin ang kanyang patriotism dahil sa pagiging US citizen ni Mariel, hindi ito pinalampas ni Binoe.

“Ang pagiging Filipino-American ay hindi pagtataksil sa Inangbayan lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing Native American. Mas Amerikano pa kami sa inyong pa Inglis-Inglis at nakatira diyan sa Estados Unidos. Mas Pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si Gabriela Silang ng Abra at sa lolo ko na Kapitan Pablo ng Nueva Ecija ay lumalangoy na kami sa pag-ibig sa bayan na ito. Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil Amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa Amerika at karapatan ko at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas!”

REGINE VELASQUEZ: Palagi ring nabibiktima ang Asia’s Songbird ng mga mapanira at walang magawa sa buhay na mga haters. Hindi naman niya pinapatulan lahat pero kung sobra na lalo na kapag idinamay na ang anak (Nate) at asawa (Ogie Alcasid), kusang lumalabas ang sungay at buntot niya. Tulad na lang nang minsang tawagin siyang “balyenang laos” at “chaka” si Ogie.
“This is so sad now I understand why there are celebrities who deactivate their social media accounts. There are so many ‘mean’ people out there who wish ill on anyone who experience the simple joys in life. I feel sad for you. Again if you do not like us unfollow and daling gawin hindi hindi mo na kami makikita sa feed mo. God bless.”

JULIA BARRETTO: Patola Queen ding maituturing ang controversial Kapamilya actress pero nasa lugar naman. This year, talagang napuruhan nang bonggang-bongga si Julia nang lumabas ang balitang siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Ipinagdiinan ng dalaga na hindi siya “anaconda”!

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at saka wala din akong nilandi. Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan.”

AGOT ISIDRO: Matapang, palaban, walang inuurungan. ‘Yan ang imahe ngayon ng singer-actress dahil sa hayagang pambabatikos niya sa mga sablay ng Duterte administration. Pero siguradong isa sa mga hindi malilimutang eksena ni Agot ay nang almahan niya ang pagkalat ng isang tweet na nanggaling umano sa kanya. Ito ‘yung tweet daw niyang, “Sa mahal ng bilihin konti nalang isang kilong bigas.” Maraming tumawag sa kanyang boba at tanga dahil dito, pero agad niya itong pinabulaanan.
Simple lang ang naging sagot dito ng aktres, “Kuya, wag masyadong nagpapaniwala sa mga nababasa. Na- #FakeNews ka, kuya.”

SHARON CUNETA: Wala ring takot ang nag-iisang Megastar sa pagpatol sa kanyang bashers. Kapag na-hurt siya sa mga nababasa niyang comments ng netizens, talagang sinasagot niya ito. Tulad na lang ng panglalait sa kanya nang maging muse ng Team Magnolia sa opening ng 44th Season ng PBA.

Resbak ni Mega, “They don’t mean anything to me because I am the one that’s here. I was chosen by Magnolia. I did not volunteer. I am their major endorser so I think it’s understandable.”

VICE GANDA: Ilang beses ding nakipagsagutan ang Unkabogable Star sa kanyang haters pero aniya, mas gusto niyang magpalaganap ng positivity at good vibes ngayon. Pero tao lang din si Vice at naaapektuhan din sa kanegahan sa socmed. Naaalala n’yo ba ang pang-aalipusta ng isang netizen sa kanya nang dahil lang sa plano niyang pagsa-shopping?

“Nagtweet lang ako ng magshashopping ako sinabihan nako ng mga feeling WOKE ng ‘Privileged’! Bakit ako lng ba nakakapagshopping sa buong mundo? Mga shunga! Punta ka ng mall kahit walang trabaho nagshashopping!!! Dunung dunungan ang mga potahang feeling WOKE! Sa mga Pilipino di pagiging ‘PRIVILEGED’ ang pagshashopping. Kahit mahirap nasa mall at may binibili.”

Read more...