JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA
PINALAKPAKAN ng mga manonood ang eksena ni John Lloyd Cruz sa pelikulang “Culion” na isa sa mga official entry sa ginaganapa na 2019 Metro Manila Film Festival.
Grabe ang lakas ng impact ng paglabas ni JLC sa eksena niya with one of the main casts na si Meryll Soriano.
Kung hindi kami nagkakamali ay more than three years na since tumigil o “nagpahinga” sa showbiz si Lloydie. Pero hindi kinalawang ang husay niya sa pag-arte. Walang dialogue at mga mata lang nila ni Meryll ang nag-uusap from a distance. Pagkatapos ng ilang mimuto ay tumulo na ang luha ni Lloydie kasunod ang pigil na hagulgol at halos mag-breakdown na siya.
Sa presence at performance pa lang ni Lloydie, sulit na sulit na ang panonood ninyo ng “Culion.” But if that’s not enough, production-wise, magnificent! The whole place of Culion itself is already an excellent production design. Inawrahan pa ng mga costume nila na hindi karaniwang makikita sa period films. And the narrative of the movie ay napakaganda at matalinong nailahad sa pelikula na sinulat ng aming maestro at award-winning scriptwriter na si Ricky Lee.
Ricky Lee ang mga linyahan ng script gaya na lang sa eksena ni Iza habang binabasa ang mga nakasulat sa notebook ng namatay sa ketong na si Julia…ang mga mananatili at mawawala sa Culion.
Speaking of JLC, bukod pala sa pagpi-paint, nahihilig din si JLC sa panonood ng theater plays. One time raw na nanood ng play ang aktor ay kasama dapat ang anak niyang si Elias. He was expecting his son na ihahatid from Ellen Adarna’s “utusan” or whoever sa venue ng play. Parang doon na lang sa venue kikitain ni JLC ang anak. Wait….wait.…wait naman si Lloydie. Pero walang Elias na dumating.
Nagtaka ang aming source kung bakit kailangan daw ihatid pa si Elias kay JLC. Hindi raw ba kasama ni Lloydie si Elias sa bahay at hindi na lang sila nagsabay sa pagpunta sa play? Sagot namin, e, baka naman may iba pang pinuntahan si JLC kaya pinasusunod na lang niya ang kanyang anak sa venue.
Pero giit ng aming source, kung gayon bakit daw kailangang ipagpaalam ni JLC kay Ellen ang panonood ni Elias ng play with him? Feeling niya baka true ang tsismis na living separate lives na ang dalawa. At mukhang mahigpit si Ellen sa pagpapahiram ng anak sa tatay nito. Ang huling nabalitaan namin, kasama ni Ellen si Elias na nag-celebrate ng Pasko sa ibang bansa.