Maymay namigay ng regalo sa mga nakatira sa kalye sa Maynila

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

MULING nag-share ng blessings ang Kapamilya young actress na si Maymay Entrata bilang bahagi pa rin ng pagse-celebrate niya ng Pasko.

Namigay ng regalo ang ka-loveteam ni Edward Barber sa mga kababayan nating nakatira lamang sa lansangan.

Sa kanyang Instagram post, makikitang nag-ikot ang dalaga sa mga lansangan sa Maynila upang mamahagi ng pa-Noche Buena.

“Ito ang pinaka masayang araw ng aking buong taon,” ang unang mensahe ni Maymay sa kanyang IG followers.

Dugtong pa niya, “Sa lahat ng nag volunteer, tumulong, at nag ambag para matupad ang kay tagal ko ng pinaghandaan, maraming maraming salamat po. Nawa’y tuloy-tuloy at marami pang ngiti ang ating maibahagi sa kanila. Muli, maraming salamat po.”

Inulan naman ng papuri si Maymay mula sa kanyang mga fans and followers. Narito ang ilang comments ng kanyang mga supporters.

Ani @thesilentmapleleaf, “This girl has such a big heart. You definitely deserve all the blessings in this world. I’m a silent fan and will always pray for you.”

Komento ni @sweetsyren10, “I seriously cried while and after watching this video.”

“Amen. Praise God sa buhay mo @maymay . I pray that God will bless you even more, in Jesus’ Name!” sey naman ni @shanebalangastory.

Ayon kay @delapenaems, “God bless you more…you help a lot..Amen to you!”

Pahayag ni @Sweet22twentytwo, “Your the best… God bless you more Maymay. Iba talaga ang kabaitan mo spread Love… Kaya sobrang idol kita for being down to earth… hindi ka tlaga nagbago.

From PBB until now.”

“So happy and proud of you, baby girl! Keep on giving back! All for God’s glory! We love you so!” ang sey naman ni @misayisms.

Read more...