Sa mamboboykot kay Bong sa GMA: E, di wag kayong manood!

BOYKOT ang sigaw ng mga kababayan nating kontrang-kontra sa pagbabalik-telebisyon ni Senador Bong Revilla.

Hindi raw nila susuportahan ang seryeng nakatakda niyang gawin sa GMA 7.

‘Yun ang kanilang sigaw, at walang makakokontra sa kanila, kung paanong hindi rin nila mapupuwersang makiayon sa kanila ang mga tapat na tagasuporta ng aktor-pulitiko.

Maraming beses nang napurnada ang salitang boykot. Nu’ng magdesisyong kumandidato uli sa pagiging senador ang aktor pagkatapos linisin ng lahat ng korte sa Pilipinas ang kanyang pangalan ay may ganu’n ding sigaw ang mga kontra sa kanyang pagbabalik-pulitika.

Pero may naganap bang positibo sa kanilang banta? Gumana ba ang boykot nilang sigaw? Ayun, may upuan uli sa Senado ang binoykot nilang kandidato!

Sana’y maisip din ng mga nagbabanta ng boykot na hindi sila ang pangkalahatang bilang ng populasyon ng Pilipinas.

Bahagi lang sila. At maliit na bahagi lang ng kabuuang populasyon ng ating bayan.

Nagdesisyon na ang GMA 7, gagawin ni Senador Bong Revilla ang “Agimat Ng Agila” na sa teaser pa lang ay nangangamoy-tagumpay na, huwag silang manood kung ayaw nila dahil hindi naman sapilitan ang imbitasyon ng network na tutukan ang bagong serye ng senador-pulitiko.

Ganu’n lang naman kasimple ‘yun. May sarili silang desisyon na huwag suportahan ang palabas, pero huwag nilang idamay sa kanilang sigaw ang mga matagal nang nag-aabang na muling mapanood si Senador Bong, di parehas lang ang laban.

Read more...