MAHIGIT dalawang buwan matapos pumutok ang outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, naghihintay pa rin ang mga kawawang nag-aalaga ng baboy sa ipinangakong ayuda ng gobyerno na dapat ay nasa P5,000 kada baboy.
Sa kabila ng pahayag ng Malacanang na naglaan ito ng P1 bilyon para matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy, ni singko ay wala pang natatanggap ang mga may-ari ng mga kinumpiskang baboy.
Batay mismo sa pahayag ng mga nag-aalaga ng baboy, partikular sa Pampanga, ni singko ay wala pa silang natatanggap sa kabila ng naunang pahayag ng Department pf Agriculture (DA) na itinaas na nila sa P5,000 kada isang baboy, mula sa P3,000 ang ibibigay na ayuda sa mga hog raisers na nakumpiska ang kanilang baboy.
Sa ilalim kasi ng programa ng DA, kukumpiskahin na ang mga baboy kung saan may naitalang kaso ng ASF at papatayin at ililibing ang mga ito ng sabay-sabay.
Pangako ng pamahalaan na bibigyan ng ayuda ang mga apektado ng ASF.
Ngunit mahigit dalawang buwan matapos ang outbreak ng ASF, nganga pa rin ang mga napangakuan ng ayuda.
Bandang huli, may reklamo pa imbes na ibaon, ipinangreregalo at kinakatay pa ang mga kinumpiskang baboy.
Ayon pa reklamo ng mga magbababoy, imbes na hindi na nila nalaman ang kalokohan ng ilang opisyal, ipinagmamalaki pa nila na ipinanregalo ang mga kinumpiskang baboy.
Masakit lang dito, may mga abusado pa ring kawani ng gobyerno na imbes na magserbisyo, ginagamit pa ang kanilang posisyon para makapanglamang ng kapwa.
Nitong huli, balita ng mga nag-aantay na hog raisers na imbes na pera, baboy din ang ibabalik sa kanila.
Kung totoo ito, malamang hindi nag-iisip o wala talagang balak magbigay ng ayuda ang mga inatasang magpatupad ng direktiba o talagang garapal lamang ang mga ito sa pang-iipit ng pondo na inalaan para sa mga magbababoy.
Paanong mangyayaring baboy din ang ipapalit sa mga hog raisers kung patuloy ang pagkalat ng ASF sa bansa.
Kung aantayin pa na mawalan nang tuluyan ang outbreak sa bansa, baka hindi na ito mangyari.
Agarang ayuda ang kailangan ng mga apektado ng ASF at hindi lamang sa balita inihahayag ang paglalaan ng tulong para sa mga kawawang hog raisers.
Tinamaan na nga ng ASF, iniipit pa ang pondo na inilaan para sa kanila.
Dapat na makarating kay Agriculture William Dar na wala pang ayuda na natatanggap ang mga kawawang hog raisers.
Sana’y wag nyo nang hintaying umabot pa sa Malacanang ang reklamo ng mga kawawang mga nag-aalaga ng baboy.
Mga apektado ng kampanya vs ASF nganga pa rin sa ayuda ng gobyerno
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...