Mangudadatu at Ampatuan, parehong kulay

Target ni Tulfo ni Mon Tulfo

PINATAY
ng mga tauhan ni Maguindanao gubernatorial candidate Esmael “Toto” Mangudadatu ang isang tauhan ng mga Ampatuan sa loob ng mall sa Davao City noong Huwebes ng gabi.
Ang napatay ay si Arce Kamedan, 32, na hindi armado.
Nagsimula na ang “rido” sa pagitan ng angkan ng mga Mangudadatu at Ampatuan.
Ang rido ay katagang Muslim na ang ibig sabihin ay gantihan o ubusan ng lahi.
Si Mangudadatu ay nawalan ng asawa at dalawang kapatid sa Maguindanao massacre. Kasama sila sa 57 katao na pinatay ng walang laban at ang suspect ay mga Ampatuan at kanilang mga tauhan.
Hindi na mapipigilan rido dahil ugali  ng mga Muslim ang iganti ang kanilang pinatay na kamag-anak.
Kung hindi sila mapipigilan ay dapat huwag na lang nilang idamay ang mga inosenteng tao.
Kung magpapatayan sila dapat gawin nila sa kanilang lugar sa Maguindanao.
Mag-ubusan sila ng lahi kung gusto nila pero huwag nilang gawin ang paghihiganti sa mga lugar na karamihan ng residente ay Christians and non-Muslims.
* * *
Sa mga nasagap kong balita tungkol sa mga Mangudadatu, hindi naman sila mga martir na gaya nang ipinalalabas nila ngayon sa media.
Kagaya rin daw sila ng mga Ampatuan na mapupusok at wala rin daw patawad.
Naturingan lang na nasa puwesto ang mga Ampatuan at ang mga Mangudadatu ay wala sa kapangyarihan sa ngayon.
Kung nasa lugar ng mga Ampatuan ang mga Mangudadatu ay maaaring ganoon din ang kanilang ginawa.
Tandaan natin, aking mga mambabasa, na parehong Muslim ang mga Ampatuan at Mangudadatu. Ibig sabihin, pareho ng pag-uugali.
* * *
Siyanga pala, bakit hindi pa binubuwag ng gobyerno ang private army ng mga Mangudadatu?
Ang dahilan daw kung bakit di binubuwag ang private armed group ng mga Mangudadatu ay dahil nanganganib ang kanilang buhay.
Di lang mali ang ganoong dahilan, etsos pa.
Maaaring gagamitin ng mga Mangudadatu ang kanilang private army laban sa mga angkan ng Ampatuan na wala nang  private army dahil sa Maguindanao massacre.
Anong malay natin kung yung mga pulis na pumatay kay Arce Kamedan sa loob ng Davao City mall ay kasama sa private armed group ng mga Mangudadatu?
Tandaan natin na karamihan sa miyembro ng private army ng mga Ampatuan na sumali sa Maguindanao massacre ay mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ganoon din daw ang private army ng mga Mangudadatu: karamihan sa kanila ay pulis din.
* * *
Binatikos ni Sen. Jamby Madrigal ang kapwa niya senador at karibal sa pagka-Pangulo na si Manny Villar dahil kumakanta at sumasayaw daw ito sa entablado.
Kasama raw ni Villar ang kanyang running mate na si Sen. Loren Legarda sa pagbibigay ng aliw sa mga botante sa kampanya.
“Just goes to show how little respect they have for Filipino voters’ intelligence…Are they running for the country’s top posts or auditioning for movie parts?” ani Madrigal.
Dagdag pa ni Jamby: “Those who run on the strength of personalities and not on platform have to resort to these antics to be noticed.”
Naku, ito namang si Jamby parang di niya ginawa ang kumanta at sumayaw sa entablado.
Ginamit din niya ang aktres na si Judy Ann Santos sa kanyang kampanya para senador noon.
Bakit niya pinupuna sina Villar at Legarda samantalang ginamit din niya ang gimik na yan?
May kasabihan na bago mo punahin ang muta sa mata ng iyong kapwa ay tingnan mo muna ang salamin para mo makita ang muta sa iyong mga mata.

BANDERA, 021610

Read more...