BANDERA “One on One”: Jennylyn Mercado

ni Dinno Erece

MARK of a true star is the ability to be controversial even without meaning to.
Pagpasok pa lang ni Jennylyn Mercado sa showbiz via Starstruck, her age to her lovelife have been a subject of headline.
She and Mark Herras became the hottest Kapuso pair, split and reconciled and split again, fell in/out of love kay Patrick Garcia and still the only top female star to come back as lead actress even as a mother to her almost two-year old son Alex Jazz.
Now starring with Dennis Trillo sa pinakabagong Sine Novela na Gumapang Ka Sa Lusak, it has been a long time since we had this conversation where almost every statement is as controversial as the next.

BANDERA: Kamusta ang pagbabalik tambalan n’yo ni Dennis? Heavy kissing scene kayo agad, ha?
JENNYLYN MERCADO: Alam n’yo, kinakabahan pa rin ako. Sabihin na nating matagal-tagal na ako sa showbiz pero kahit kay Mar (Herras) kapag kissing scenes at love scenes na, may kaba pa rin ako. Inaatake pa rin ako ng nerbiyos. Nandu’n pa rin ‘yung parang nagsisimula ka pa lang. Pero kailangan, eh. Mabuti na lang si Dennis ‘yan. Kumportable kami ni Dennis.

B: Kamusta na nga pala kayo ni Becky (Aguila, her manager)?
JM: Kami pa rin naman. Siya pa rin ang manager ko hanggang April next year.

B: Pero nag-sign ka sa Viva together with another Becky Aguila talent Valerie Concepcion just recently at dapat may presscon ito pero biglang na-cancel pero sabi mo nga sa akin natuloy pa rin yun without any press.
JM: Contract para sa movies lang yun. May ginagawa kami ni Valerie for Viva, yung ‘Working Girls 2010’, yun ang pinirmahan namin.

B: After April, what happens?
JM: Tanungin n’yo ako ulit next year, kasi sa ngayon hanggang du’n pa lang ang alam ko. Tingnan natin kung ano ang magbabago after that.

B: Off topic, si Angel (Locsin) umalis na sa poder ni Becky at nasa pangangalaga na ngayon ni Ethel Ramos, ang manager ni Aga Muhlach. Ikaw ba?
JM: Matagal na rin kasi kaming hindi nag-uusap ni Angel, eh, kaya wala akong alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Basta ako kay tita Becky pa rin hanggang ngayon, maayos naman kami.

B: Naging kontrobersiyal na naman ‘yung pagsagot mo sa isang tanong, na kung sino ang sasabihan ng mga artista na gumapang ka sa lusak na sinagot mo nga ng, “Kilala n’yo na ‘yun!’ (Referring to Patrick Garcia). Hindi ka ba natatakot na baka pagsimulan na naman ito ng gulo?
JM: Nagbibiro lang ako noon, tito. Para masaya. Ang serious-serious kasi, eh, o di ba natawa sila?

B: Pero sasabihin mo ba talaga ito sa kanya para niya makita ang anak niyo just in case.
JM: Hindi naman tito, nagbibiro lang talaga ako. Hindi ko naman ito sasabihin sa kahit kanino. Hindi naman maganda ‘yun. Parang sinumpa mo na kasi ang isang tao, kapag ‘yun ang sinabi mo, di ba?

B: Baka may magalit na naman sa iyo. Sabihin nila hindi ka pa rin makapag-move-on, na baka isipin ng iba, mahal mo pa rin siya?
JM: Naku, sila ang hindi makapag-move on `no? Tanong sila nang tanong sa akin tungkol kay Patrick (Garcia), Patrick, wala na bang ibang matanong sa akin. Parang hindi n’yo ba ako nakikita, masaya na ako, o. Tumigil na sana sila, close book na yun.

B: Maybe because sa tingin ng tao, wala pa talaga kayong closure kaya palaging siya ang tinatanong sa iyo dahil in fairness to Patrick, ito pa rin ang madalas na itanong sa kanya, ang estado n’yo?
JM: Ganoon ba yun? Pero nababasa ko lang din kasi ang mga sinasabi niya, wala naman akong nakikitang action. Natatandaan n’yo ‘yung sinasabi ko na hindi ko ipapakita ang anak ko sa kanya, wala rin naman siyang ginawang move para makita niya. Kung gugustuhin niyang makita ang anak ko, ang dali naman.

B: Pero we remember maganda rin ang naging sagot ni Patrick sa amin about this; hinahayaan ka niya kasi munang mawala ang galit or init ng ulo bago ka kausapin about your child.
JM: Buntis pa lang ako nasasabihan na ako nito. Wala naman talagang nangyayari.

B: Pero may nabasa kami na tumatanggi ka raw sa mga financial offers ng pamilya niya.
JM: Hindi naman totoo yun. For the record tito, wala pong offer kaya wala akong tinatanggihan. Wala akong natatanggap na kahit ano, so, ano naman ang tatanggihan ko?

B: Sa ngayon, ano talaga ‘yung nagpapasaya sa ‘yo?
JM: Alam mo tito, tama ‘yung sinasabi nila na kapag nagka-baby ka, grabe ‘yung feeling, hindi mo mae-explain talaga kung bakit siya lang ‘yung nagiging center ng buhay mo. Lahat ng ginagawa mo, siya ang iniisip mo. Maaga ‘kong na-experience ‘to, pero I can say na sa lahat ng struggles na pinagdaanan ko, sa lahat ng sakit, ng hirap, it’s all worth it. ‘Yung time na kailangan kong sagutin ang napakaraming tanong, ang daming kuwentong kailangang sabihin in public para maintindihan nila ang lahat. Pero talagang ang greatest victory na masasabi ko sa buhay ko, e, ‘yung anak ko.”

B: Hanggang ngayon single ka pa rin at wala pang ipinapalit after Patrick, does it mean, takot na siyang makipag-relasyon uli?
JM: Hindi naman sa na-trauma ako or anything, sa ngayon kasi, hindi n’yo rin naman ako masisisi kung bakit parang takot na akong mag-enter sa bagong relationship. Basta sa ngayon, masaya ako na ganito muna. Single, na si AJ lang ang nasa isip ko, ganyan. Pero naniniwala naman ako na darating din ‘yung time na nandiyan na siya. I know na meron talagang isang tao na para sa akin. Siyempre, mas okay kung meron kang special someone, pero dapat buong-buo rin niyang tatanggapin ang anak ko.”

BANDERA Entertainment, 021510

Naaliw ka ba sa interview kay Jennylyn? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.

Read more...