Martir na female celeb biktima rin ng pambubugbog ng babaerong ex-husband

KUNG paniniwalaan ang mga kuwento ng mga taong malapit sa isang maganda at makinis na female personality ay ngayon pa nga lang niya ine-enjoy ang kanyang buhay.

Mahabang panahon na naging malungkot ang aktres, palaging kinakabahan, dahil sa pinili niyang mahalin at pakasalang male personality.

Sabi ng isang source, “Nakakaawa nu’n si ____ (pangalan ng aktres), wala siyang peace of mind, akala ng buong mundo, e, napakasuwerte niya sa napangasawa niya, pero kabaligtaran nu’n ang sitwasyon niya.

“Sobrang seloso na ewan ang lalaking ‘yun! Aalis lang sandali ‘yung girl para magpa-check-up, kailangang detalyadong naka-report sa kanya ang lahat ng mga nangyayari habang nasa labas ang misis niya!

“Konting mali lang na nagagawa ng girl, e, nakaangat na kaagad ng kamao ‘yung lalaki, siguradong may matitikman na ang girl na pitik mula sa kanya!

“Ganu’n katindi ang inabot niya sa lalaking ‘yun! Ni hindi nga siya makapunta sa bahay ng parents niya, kasi nga, mapapansin nila ‘yung mga pasa-pasa niya sa katawan!

“Martyr nga ang tawag sa kanya ng mga relatives nila, kasi, marami nang dahilan para hiwalayan niya ang husband niya, pero nandu’n pa rin siya! Para bang ine-enjoy na niya ang pananakit sa kanya!” madiing kuwento ng aming impormante.

Huli na nang madiskubre ng female personality na ang dahilan pala kaya kailangan niyang mag-report tungkol sa mga ginagawa niya sa labas ng kanilang bahay ay para alam ng lalaki kung saan siya nandu’n.

Patuloy ng aming source, “Nakakalokah! Kailangan palang malaman nu’ng guy kung saan siya nandu’n para hindi sila magkita sa kung saan habang may kasamang ibang girl ang male personality!

“Umiiwas pala ang guy na magkrus ang landas nila, kaya ganu’n! E, nu’ng minsan ngang puntahan niya nang walang pasabi ang mister niya sa rest house nila, e, hindi siya pinapasok!

“Tulog daw ang mister niya dahil sobrang napagod at napuyat, kaya sa mismong rest house nila, e, hindi siya pinapasok! Meron kasing kasamang ibang girl du’n ang asawa niya!

“Naku, nakakaawa naman siya. Buti na lang at malaya na siya ngayon, tapos na ang mga bangungot niya sa buhay! At least, tapos na siya sa sunset ng buhay niya, di ba naman?” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba naman ng clue, bigay na bigay na kung sino siya!

Kaarawan ni Alden sa January 2, kaya siguradong sa bagong programang “All Out Sunday” magkakaroon ng birthday celebration ang guwapong aktor sa January 5, mas magiging abala siya sa papasok na taon dahil sa dalawang programang pagsasabayin niyang gawin.
Propesyonal si Alden Richards, kahit konting reklamo sa linya ng trabaho ay walang anumang maririnig sa kanya, kaya naman mahal na mahal siya ng kanyang mga katrabaho.
May lungkot lang ang bawat Pasko at Bagong Taon sa kanyang buhay, wala na kasi ang kanyang ina, ang pinakamamahal niyang mommy na hindi na nasaksihan ang lahat-lahat ng mga tagumpay na hinahawakan niya ngayon.

Read more...