MAKALIPAS ang dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, Kapuso couple Max Collins and Pancho Magno are expecting their first baby.
Tuwang-tuwa at super excited na ibinandera nina Max at Pancho nitong nakaraang Pasko sa kanilang Instagram account ang good news.
Ipinost ng Kapuso actress sa IG ang litrato nila ng asawang aktor habang hawak ang sonogram. May caption itong, “The more the merrier!! Merry Christmas from our growing family you yours (heart emoji).”
Ito rin ang photo na ibinahagi ni Pancho sa kanyang social media followers na may mensaheng, “The more the merrier-er Christmas… from our growing family to yours. Thank you Lord our God for giving us the gift of love and Life on your birthday!”
Ang baby announcement ng Kapuso couple ay halos kasabay din ng selebrasyon ng kanilang second wedding anniversary. Ikinasal ang dalawa noong Dec. 11, 2017 sa Grand Ballroom ng Manila Marriot Hotel sa Pasay City.
Bumaha naman ng mensahe sa social media mula sa mga kaibigan nina Pancho at Max. Narito ang ilang pagbati mula sa mga celebrities na malalapit sa mag-asawa.
“Woohoo!!!!! Congrats!!! (heart eyes emojis)!” post ni Solenn Heusaff na buntis din sa panganay na anak nila ni Nico Bolzico.
Comment ni Maricris Garcia, “I’m so happy i wanna cry!!!! Congrats @maxcollinsofficial.”
“Whaaaaaaa!!!! Awesome ?? @maxcollinsofficial @magnopancho Merry Christmas!” sey naman ni Chyna Ortaleza.
Pagbati naman ni Denise Laurel, “Congratulations (sparkle emojis)!”
“Omg congratulations!!!” post naman ni Jessy Mendiola.
Ang iba pang bumati kina Max at Pancho ay sina Yasmien Kurdi, Isabelle Daza, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Chariz Solomon, Joyce Pring, Carla Abellana, Kim Domingo, Lara Quigaman at marami pang iba.