KUNG may mga showbiz couple na nagpakasal this year, marami ring artistang magdyowa ang naghiwalay ngayong taon.
Naglista kami ng ilang celebrity wedding na naganap ngayong 2019 pati na rin ng mga nakakalokang hiwalayan sa showbiz na talagang pinag-usapan nang bonggang-bongga!
Narito ang ilang kilalang celebrity na nagpakasal this year:
JOYCE CHING & KEVIN ALIMON: Ikinasal ang Kapuso actress sa kanyang non-showbiz partner na si Kevin Alimon nitong Dec. 8 sa Baguio City.
AICELLE SANTOS & MARK ZAMBRANO: Isang intimate garden wedding naman ang napili nina award-winning singer-actress Aicelle Santos at dating GMA news reporter na si Mark Zambrano na naganap last Nov. 16 sa San Juan, Batangas.
PHIL YOUNGHUSBAND & MARGARET HALL: Bongga naman ang tinaguriang “dreamy summer wedding” nina Phil at Margaret sa Goodnestone Park sa Kent, United Kingdom last July 20.
VHONG NAVARRO & TANYA BAUTISTA: Matapos subukin ng matitinding pagsubok, sa kasalan din ang ending ng relasyon nina Vhong at Tanya Bautista. Ikinasal sila noong Nov. 28 sa isang intimate wedding ceremony sa Four Seasons Hotel in Kyoto, Japan.
MOIRA DELA TORRE & JASON HERNANDEZ: Naganap ang garden wedding nina Moira at Jason Marvin noong Jan. 14 sa Tagaytay City.
MICHELLE MADRIGAL & TROY WOOLFOLK: Sa Austin, Texas naman idinaos ang kasal ng dating sexy acress na si Michelle Madrigal sa kanyang American partner at tatay ng anak niya na si Troy noong April 13.
GERPHIL FLORES & BRAD LIBANAN: Asia’s Got Talent runner-up Gerphil Flores tied the knot with her longtime boyfriend Brad Libanan on July 21. Naganap ito sa makasaysayang Manila Cathedral sa Maynila.
RODJUN CRUZ & DIANNE MEDINA: Nagpalitan din ng “I do” sina Rodjun at Dianne sa Manila Cathedral nito lang nakaraang Dec. 21 na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan in and out of showbiz.
* * *
Break kung break! Walang forever!
JOSHUA GARCIA & JULIA BARRETTO: Kilala bilang JoshLia loveteam, nag-start ang relationship nila noong 2017 pero biglang naghiwalay nitong June, 2019. Hindi nila sinabi ang dahilan ng kanilang break-up pero kumalat ang balita na si Gerald Anderson umano ang naging third party na itinanggi naman ng mag-ex.
HEAVEN PERALEJO & JIMUEL PACQUIAO: Nagsimula silang mag-date noong 2018 at naging magdyowa March, 2019 nang aminin nila ang kanilang relationship. Pero nitong nakaraang July napansin ng kanilang fans and social media followers na binura na ng dalawa ang mga Instagram photos na magkasama sila. Dito, maraming nam-bash kay Heaven at inakusahan pang ginamit lang daw ang anak ni Sen. Manny Pacquiao.
GERALD ANDERSON & BEA ALONZO: Pormal na inanunsyo ng dalawang Kapamilya stars ang kanilang relasyon noong 2016 pagkatapos nilang gawin ang pelikulang “How To Be Yours.” Nabalitang nagkahiwalay sila nang dahil sa third party, pero ilang buwan lang ang nakalipas ay sinabi ni Bea na nagkabalikan sila ng aktor at binigyan niya ito ng second chance. Pero nito nga lang Hulyo, tuluyan nang tinuldukan ni Bea ang relasyon kay Gerald na ang itinuturong dahilan ay si Julia Barretto.
SUE RAMIREZ & JOAO CONSTANCIA: Diretsahang sinabi ng young actress nitong August, 2019 sa mismong presscon ng “Cuddle Weather” na hiwalay na sila ng BoybandPH member. Tumagal din ng two years ang kanilang relationship. Pero sabi ni Sue friends pa rin sila ng binata until now.
ARI MUNOZ & ANTHONY NG: Naging emosyonal ang pag-announce ni Arci sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na naganap noong August, 2019. Sa presscon ng seryeng Pamilya Ko kung saan isa sa cast si Arci unang inamin ng dalaga ang break-up. Pero sa guesting niya sa show ni Boy Abunda nag-iiyak si Arci at sinabing masakit sa kanya ang paghihiwalay nila ni Anthony.
RYZA CENON & CHOLO BARRETTO: Nauwi rin sa hiwalayan ang ilang taong relasyon ng dalawa na nangyari noong February, 2019. Personal differences daw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. In fairness, mabilis namang naka-move on ang dalaga, “Kailangan, e, para mag-move forward na rin. Past is past na. So, tapos na siya. Kaya mas mag-focus na lang po muna sa work and hobbies.”
CATRIONA GRAY & CLINT BONDAD: Last February, 2019 naman kinumpirma ng Pinay Miss Universe na nag-break na sila ng kanyang longtime boyfriend. “Well, it’s all about balance. Whatever works with your personal life, but for me wala akong love life ngayon so I am really focused on my Miss Universe journey and on being the best global representative that I can be and being a representative in the Philippines through and through,” ang pahayag ni Cat tungkol sa break-up nila ni Clint.
MARK HERRAS & WINWYN MARQUEZ: Last February din kinumpirma ng dalawang Kapuso stars ang kanilang paghihiwalay. Ipinagdiinan nila na walang third party involved. “We’re both okay, naghiwalay kami nang maayos. It was a mutual decision, walang away, walang third party,” sey ni Winwyn.
DEREK RAMSAY & JOANNE VILLABLANCA: Kontrobersyal din ang hiwalayan ng dalawa dahil sinasabing nagkaroon daw ng “other woman” si Derek na mariin namang itinanggi ng hunk actor. Noong nakaraang June kinumpirma ng binata ang break-up. Sey ni Derek sa isang interview, “It’s not easy to go through this especially since it’s probably the longest and most serious relationship I had in my life.”
PIA WURTZBACH & MARLON STOCKINGER: Nito lang buwan inamin ng beauty queen-actress na hiwalay na sila ng professional race-car driver na si Marlon Stockinger. “It’s true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear – Marlon and his family never depended on me financially. This will be my only statement on the matter. Thank you for your support,” chika ni Pia.
JOEM BASCON & CRISHA UY: Walong taon naging magdyowa ang aktor at ang vlogger pero mukhang wala ngang forever para sa kanila. Hanggang ngayon ay ipinagluluksa pa rin ng aktor ang nawasak nilang pagsasama. “I guess, hanggang doon ko lang talaga kaya at hindi na i-continue. Wala namang hiwalayang hindi masakit. Dina-drown ko na lang ang sarili ko sa work and friends para hindi mo maisip masyado yung nangyayari.”