Horoscope, Dec. 27, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Paghandaan ang papalapit na 2020. Samantalahin ang bawat oras na dumarating upang pagkaperahan. Sa love life, mahalaga ang bawat minuto upang ipadama sa kasuyo ang masarap na romansa at wagas na pagmamahal. Markahan ang 4, 7, 16, 25, 34, at 45. White at green ang buenas. Swerte ang initial na R. at A.
Aries – (Marso 21-April 19) – Wag nang hintayin ang Bagong Taon upang simulan ang pagbabago – now na! Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka agad nang kumilos upang magkapera. Sa lovelife, walang “ideal love” kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang perfect na relasyon. Markahan ang 4, 16, 25, 34, 38 at 49. Yellow at red ang buenas. Swerte ang initial na B. at S.
Taurus – (April 20-May 20) – Wag mag-alala, kahit halos maubos na ang pera dahil sa nakaraang Holiday Season, papalitan ng langit ng higit at doble pa ang lahat ng iyong nagastos. Sa love life, giniginaw ang kasuyo, kailangan niya ng mainit na kape at masarap na yakap. Markahan ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Blue at yellow ang buenas. Swerte ang initial na L. at E.
Gemini – (May 21-June 21) – Sa pagpasok ng 2020 walang dapat gawin kundi ang magpayaman. Sa love life, habang umuunlad ang kabuhayan, lalo namang liligaya at sasarap ang suyuan. Markahan ang 1, 10, 19, 34, 45 at 49. Silver at pink ang buenas. Swerte ang initial na C. at M.
Cancer – (June 22- July 22) – Malungkot ka na naman? Ikaw din ang may kasalanan, inubos mo kasi ang iyong pera sa pamimigay! Sa love life, sa isang Capricorn matatagpuan ang pag-unlad at ligaya. Markahan ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Violet at purple ang buenas. Swerte ang initial na L. at D.
Leo – (July 23 – August 22) – Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang upang hindi ka mautangan. Sa lovelife, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit may isang naka-yellow na magbibigay ng kakaibang sarap at ligaya. Markahan ang 3, 9, 23, 31, 41, at 39. Bukod sa yellow ang orange ay buenas. Swerte ang initial na C. at B.
Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pinansyal, tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon pa lang paglaanan na ang Bagong Taon. Sa love life nami-miss ka na ng kasuyong Libra, makipagkita ka sa kanya kahit palihim lang. Markahan ang 4, 16, 25, 33, 39 at 49. Blue at purple ang buenas. Swerte ang initial na A. at D.
Libra – (September 23-October 23) – Tapos na ang Christmas! Ang dapat namang paghandaan ay ang nalalapit na New Year. Kung masyado nagastusan nitong Pasko, hinay-hinay lang sa paggasta sa Bagong Taon. Sa pag-ibig, may sopresang naghihintay sa 2020. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na R. at F.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa ibayong dagat ay mas magiging masagana ang kinabukasan. Sa love life, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Markahan ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Pink at lilac ang buenas. Swerte ang initial na E. at B.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Kung namumroblema man sa salapi sa ngayon, masosulusyonan din ‘yan sa susunod na mga araw. Sa love life, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Aries. Markahan ang 5, 18, 27, 34, 39, at 45. Green at lilac ang bueans. Swerte ang initial na R. at T.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa taong 2020 basta’t lagi ka lang magpaka-sipag ay kusa ka ring yayaman. Sa love life, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw rin ay maraming pagkukulang. Markahan ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Purple at yellow ang buenas. Swerte ang initial na L. at B.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala ng salapi sa araw ng bukas. Sa love life, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Markahan ang 7, 13, 22, 31, 40 at 49. Yellow at gray ang buenas. Swerte ang initial na Z. at S.
Pisces – (February 19 – March 20) – Sa 2020 hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi pipigilan ang paggastos lalong masisimot ang salapi. Sa love life, ngayon na ang panahon upang ipadama sa kasuyo ang mainit na pagmamahal. Markahan ang 5, 9, 18, 23, 27, at 48. Blue at white ang buenas. Swerte ang initial na Q. at R.

Read more...