May kabit si misis

MA’AM, magtatanong sana ako about sa asawa ko na nasa Abu Dhabi.  Nakikipaghiwalay po siya sa akin sa hindi ko alam na dahilan.

Sa aking palagay po ay meron siyang Arabo, pero wala pa ako ebidensya. Naghahanap na po ako ebidensya. Ask ko rin kung sa Sharia law ay kasal kami ng asawa ko. At kung maaari po ba siyang magpakasal doon o kung pwede siyang magpa-convert bilang Muslim para makasal siya? Posible po ba iyon. Sakaling makilala ko na ang karelasyon niya, matutulungan po kaya ako ng pamahalaan? Salamat sa pagtugon.

 REPLY: Para po sa inyong katanungan,   family matter na o personal ang issue ng problema ni mister.

Hindi saklaw ng OWWA o ng POLO office ang problema dahil wala tayong jurisdiction sa United Arab Emirates.

Bukod pa sinabi niya na wala siyang ebidensya.  Kung sakakling may lalake ang OFW, hindi naman ito mapade-deport. Hintayin na lang ni mister na umuwi ng bansa ang asawa niya. Kapag nakauwi ay maaari niyang ipabarangay si misis.

***

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

***

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq 

Read more...