Bagyong Ursula goodbye na

LALABAS na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ursula bukas ng umaga (Sabado).

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration inalis na ang lahat ng tropical cyclone warning signal habang papalayo ang bagyo.

Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 235 kilometro sa hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Umuusad ito ng 15 kilometro bawat oras pakanluran-hilagang kanluran. Ang hangin na dala nito ay umaabot sa 120 kilometro bawat oras ang bilis at may pagbugso itong 150 kilometro bawat oras.

Read more...