NALUNOD ang isang lalaki nang mag-swimming sa hukay ng isang quarry sa Nasugbu, Batangas, nitong Miyerkules.
Itinakbo pa sa ospital si Vincent Alday, pero di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga, sa hukay na nagmistulang “artificial lagoon,” sa Brgy. Dayap.
Sadyang nagtungo doon si Alday at dalawang kapitbahay para mag-swimming, ayon sa ulat.
Sa kagsagsagan ng paglangoy ay di umano napansin ni Alday na siya’y nasa malalim na bahagi na ng hukay, at doon nalunod, ayon sa pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES