HALOS isang linggo bago ang pagsalubong ng Bagong Taon, sinabi ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 19 ang nasusugatan dulot ng mga paputok.
Base sa ulat na inilabas ng DOH epidemiology bureau, 19 katao ang nasugatan sa Region I, Calabarzon, Mimaropa, Region V, Region VI, Region VII, Region XI, Region XII, at National Capital Region.
Sa kabuuang bilang ng mga biktima, 14 dito ay mga lalaki kung saan nasugatan sila dahil sa paggamit ng Luces, Boga, 5-star, kwitis, at hindi pa alam na paputok.
Idinagdag ng DOH na may edad na apat hanggang 60 ang mga biktima.
Naitala ang mga kaso mula alas-6 ng umaga noong Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 26.
Ito ay mas mataas ng 11 kaso o 37 porsiyento kumpara noong 2018, ayon sa DOH.