P6.8M shabu nakumpiska sa isang motorista sa Caloocan sa bisperas ng Pasko

NAKAKUMPISKA ang pulisya ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon matapos ang isinagawang checkpoint sa Caloocan City noong bisperas ng Pasko, Martes ng gabi.

Naaresto rin ang suspek na si Gapar Ramos Dibangkitun, 18, sa isinagawang checkpoint sa Barangay 188, Tala, Caloocan City, ganap na alas-2:30 ng hapon noong Martes.

Sinabi ng pulisya na pinara ng pulisya ang nagmomotorsiklo na si Dibangkitun,  bagamat tumakas.

Nawalan ito ng kontrol at bumangga sa isa pang sasakyan at nahulog sa motorsiklo.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang teabag na may lamang kontrabando.

Nakakulong si Dibangkitun sa Caloocan City police station.

Read more...