Kathryn magiging mabuting asawa’t ina; biglaang date ng KathNiel sa Intramuros trending

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

TRENDING ang pagde-date nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Walled City of Manila bago sumapit ang Pasko.

Biglaan ang pagyayaya ni Daniel sa kanyang girlfriend na ikutin ang mga tourist spots sa Intramuros, Manila at talagang in-enjoy nila ang kanilang “impromptu date”.

Makikita ang Kapamilya actress na naka-pajama lang habang enjoy na enjoy sa paglibot sa mga kilalang tourist spots sa Intramuros kasama ang kanyang boyfriend.

Ilan sa mga pinuntahan nina DJ at Kath sa Intramuros ay ang Gallery of the Presidents of the Philippines at ang San Agustin Church na itinuturing na oldest stone church sa Pililinas.

“Went on an impromptu Intramuros date last night after our Christmas party because he wanted to show me what old Manila looks like at night, especially during the holiday season,” caption ni Kathryn sa kanyang IG photo.

Dagdag pa niya, “Tried to look for bibingka too! Sayang ubos na.”

Pinusuan ng napakaraming netizens ang mga IG photos ng magdyowa at umani ng libu-libong comments.

Karamihan sa mga followers ni Kath ay nagsabing patuloy silang nagdarasal na sana’y sa kasalan na mauwi ang relasyon ng KathNiel.

May ilan naman ang nagkomento na sigurado silang magiging mabuting ina at asawa si Kathryn dahil bukod sa mabait at masipag ang dalaga ay responsable pa ito at mapagmahal sa pamilya.

Read more...