Barbie Forteza nabiktima ng Basag Kotse Gang


NABIKTIMA ng Basag Kotse Gang ang Kapuso actress na si Barbie Forteza sa isang lugar sa Quezon City kamakailan.

Binasag ng mga suspek ang sasakyan ng dalaga at tinangay ang bag na nasa loob.

Sa latest vlog entry ng boyfriend ni Barbie na si Jak, naikuwento nito ang nangyaring insidente. Ayon sa Kapuso hunk natangay ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang bag ng nanay ni Barbie mula sa kanyang sasakyan.

“Isang insidente po ang nangyari kila Barbie noong December 21 sa may Scout area, Timog, Tomas Morato area,” bahagi ng pahayag ni Jak sa kanyang vlog.

“Nabasagan po ng kotse sila Barbie tapos nakuha ‘yung bag ni Tita. Wala namang nakuhang cash pero still, ‘di ba?

“Masyadong perwisyo, abala kasi hindi magamit ‘yung sasakyan. Nakakalungkot lang isipin na kung kelan Pasko na dapat nabibigayan tayo doon pa sinasamantala ng masasamang loob para manlamang sa kapwa.

Bahala na ang nasa taas sayo. Wag ka lang sanang makapanakit ng tao. BABALA: Mag-ingat sa lugar na pinagpaparkan. Wag mag iwan ng gamit sa kotse!” sabi pa ng dyowa ni Barbie.

Read more...