Ethel: Na-shock ako…wala talaga akong balak mag-baby

ETHEL BOOBA

HINDI in-expect ni Ethel Booba na mabubuntis pa siya at mabibigyan ng anak sa edad niyang 42 courtesy of her boyfriend Jessie Salazar.

“Na-shock ako, kasi wala talaga akong balak mag-baby. Kasi ang dami ko nang pamangkin. Hindi ko na ine-expect na makakabuo ako.

“Sabi ko, okay lang na hindi ako magkaka-baby, basta mapalaki ko lang yung mga pamangkin ko. Pero biglang dumating,” pahayag ng komedyana sa isang panayam.

Ayon kay Ethel, talagang itinago muna niya sa pamilya ang tungkol sa kanyang pregnancy, “Ayoko rin silang mag-worry, gusto ko nakakakilos din ako sa bahay. Ngayon nga e nu’ng nalaman nila ang OA na. Gusto nila nakahilata na lang ako lagi.”

Read more...