Sexy photo ni Arjo pinagtripan ni Maine: Delete mo na now!

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

“NAGSAGUTAN” sa social media ang magdyowang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na ikinakilig ng kanilang fans and supporters.

Umiral na naman kasi ang pagiging komedyana ng Kapuso TV host-actress kaya tuwang-tuwa ang mga netizens na patuloy na sumusubaybay sa kanyang career.

Nag-post si Arjo sa kanyang Instagram account ng litrato kung saan makikita siyang nakahubad na tila kuha sa isang beach.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Felt cute, might delete later. LOL!” Na sinagot naman ng kanyang girlfriend na, “Delete mo na now. Char.”

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nagpalitan ng nakakatuwang mensahe ang dalawa sa isa’t isa. Kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans dahil very open na sila ngayon sa pagbandera sa kanilang nararamdaman.

Read more...