Bossing Vic: Ayaw na ayaw ko yung nagpapatawa, gusto ko nakakatawa
COMEDY movies pa rin ang paboritong panoorin ng mga Pinoy ngayon.
Yan ang paniniwala ng veteran TV host-comedian na si Vic Sotto kaya naman patuloy pa rin siyang sumasali sa Metro Manila Film Festival.
Bida si Bossing sa 2019 MMFF entry na “Mission Unstapabol: The Don Identity” kasama ang anak-anakan niya sa showbiz na si Maine Mendoza.
Nahingan ng reaksyon si Vic pagkatapos sabihin ni Vice Ganda na nalulungkot siya sa tila mababang pagtingin ng ilan sa mga Filipino sa mundo ng comedy, lalo na rito sa Pilipinas.
“Pare-pareho lang ‘yan, kaya nga tayo nag-o-offer, ng comedy, drama, action, romcom, indie, iba-iba ang taste nang manonood e,” unang pahayag ng isa sa mga haligi ng longest-noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga.
“Hindi naman din pwede na puro drama tayo ngayon, kailangan iba-iba ang ihahain natin tapos sa kabuuan, maganda ang kalalabasan ng festival,” dugtong pa niya.
Paano naman niya ide-describe ang comedy na ibinibigay ng isang Vic Sotto sa mga manonood?
“Ako I always go for nakakatawa at hindi nagpapatawa. Iba ‘yung nagpapatawa sa nakakatawa for me, mas gusto ko ‘yung nakakatawa ‘yung eksena, nakakatawa ‘yung tao, hindi ‘yung pinapatawa mo ako.
“Sa akin, ibang-iba ‘yun, ayaw na ayaw ko ‘yung nagpapatawa eh, gusto ko ‘yung nakakatawa,” dugtong ni Bossing.
Showing na ngayon ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” bilang bahagi ng MMFF 2019. Kasama rin dito sina Pokwang, Jake Cuenca, Jose Manalo, Wally Bayola at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.