LIMANG beses na nag-landfall ang bagyong Ursula mula noong Martes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Una itong nag-landfall sa Salcedo, Eastern Samar alas-4:45 ng hapon noong Martes.
Sumunod nitong tinumbok ang Tacloban City, Leyte at nag-landfall doon alas-7:30 ng gabi., na sinundan ng Cabucgayan, Biliran alas-9:15 ng gabi.
Alas-2:30 ng umaga, araw ng Pasko, nang mag-landfall ang bagyo sa Gigantes Islands, Carles, Iloilo at sumunod sa Ibajay, Aklan alas-8:40 ng umaga.
Tinutumbok nito ang Mindoro provinces kahapon at posibleng mag-landfall din doon habang tinatahak ang direksyon palabas ng bansa.
Sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.