SA isang Christmas Party ay pinagpistahan sa isang malaking umpukan ang tatlong male singers na hinihiling ng mga miron na magkaroon na sana ng lovelife sa papasok na taon.
Magkakasama sila sa isang network, magkakasama rin sa isang variety show, napakatagal na panahon na kasing walang napapabalitang girlfriend ang tatlong male singers.
Kuwento ng aming source, “Nag-umpisa ang kuwentuhan ng grupo sa mga artistang itinatago ang pagiging tibo. Marami kasi sila pero walang nakakahalata na babae rin ang kanilang hanap.
“Paano naman, kilos-babae talaga sila, mahinhin, pero kapag wala na sila sa harap ng mga camera, e, nagiging Superman na sila!
“Hanggang sa nauwi na nga ang chikahan sa mga male personalities na kinasasabikan nilang magkaroon na ng girlfriend sa 2020. Tatlong male singers ang pinagpistahan nila,” unang chika ng aming impormante.
Si Male Singer A ay may napabalitang girlfriend na aktres nu’n, pero pinagdududahan naman ang kanilang relasyon, dahil kinukuwestiyon nga ang gender ng male singer.
Kuwento uli ng source, “‘Yun kasi ang pinalutang nila nu’n, na magkarelasyon sila, pero parang pinagtataasan lang naman ‘yun ng kilay ng marami.
“Madaldal kasi ang girl, ikinukuwento niya na kapag magkasama raw sila ni male singer, e, sa noo lang naman siya hinahalikan ng boyfriend niya!
“E, hindi pa naman daw siya matrona, hindi pa siya matanda, kaya bakit sa noo siya hinahalikan ng male singer? Ayun, nagkahiwalay rin sila dahil machong-macho ang lalaking kinakarelasyon ng sexy actress!” madiing kuwento ng aming impormante.
Si Actor B naman na singer din ang pinakamatagal nang pinagdududahang malansa ng marami. May napapabalita ring karelasyon niya pero hindi rin naman ‘yun nagtatagal.
“Naku, huwag na nating pahabain pa ang tungkol kay Male Singer B, mapapagod lang tayo dahil puro press release lang naman ang sinasabing girlfriend niya! Next topic, please!” sabi agad ng aming impormante.
Si Male Singer C naman ay walang napapabalitang girlfriend, as in wala talaga, kaya maraming nagwi-wish na sana ay magkaroon na siya ng karelasyon.
“Naku, mukhang lilipas ang susunod na taon na wala pa rin siyang magiging girlfriend! Walang panahon ang male singer na ‘yun sa pakikipagrelasyon!
“Mas gusto na lang siguro niyang bumirit nang bumirit at makipag-duet sa mga biritera rin niyang kasamahan sa isang variety show!” nakairap na pagtatapos ng aming impormante.