Lee Dong Wook gaganap na gumiho sa bagong K-Drama?

LEE DONG WOOK

KOREAN word of the week: “Uri” – sa Ingles ito’y “we,” at sa atin naman ay “tayo.

* * *

Gaganap ang Korean superstar na si Lee Dong Wook bilang isang gumiho sakaling tanggapin ang lead role sa upcoming K-drama na Tale of Gumiho.

Kinumpirma kamakailan ng agency ni Dong Wook na pinag-aaralan na ng aktor kung kukunin ang proyekto.

Iikot ang kuwento ng Tale of Gumiho sa isang mythological nine-tailed fox na dating namuno bilang living god ng Baekdudaegan Mountain Range, na ang trabaho ngayon ay isang opisyal sa pagitan ng mundo at ng underworld.

Pangunahing trabaho ng karakter ni Dong Wook na ayusin ang gusot na iniwan sa mundo ng mga buhay habang nagtatago sa likod ng ghost tales.
Makakapareha naman ni Dong Wook ang aktres na si Jo Bo Ah In sakaling tanggapin din ang alok bilang female lead.

Gaganap si Bo Ah bilang Nam Ji Ah, isang producing director (PD) na nagpo-produce ng isang programa called Finding Urban Legends. Nakatakdang umere ang Tale of Gumiho sa 2020.

Kasalukuyang napapanood si Dong Wook sa kanyang bagong talk show na “Because I Want To Talk.”

Kabilang sa mga hit drama ni Dong Wook ang Hotel King, Goblin at Touch Your Heart. Napanood naman si Bo Ah sa Goodbye to Goodbye at My Strange Hero.

 

Read more...