‘Itaewan Class’ ni Park Seo Joon may ipaglalaban sa Bagong Taon

PARK SEO JOON

Mapapanood na sa Enero 31, 2020 ang bagong TV series ng Korean superstar na si Park Seo Joon, ang Itaewon Class.

Ipinakita na ang video clip ng upcoming series ni Seo Joon. Base ang Itaewon Class sa webtoon na may kaparehong title.

Kuwento ito ng mga kabataan na lumalaban sa hindi patas na pagtingin ng lipunan habang inaabot ang kanilang mga pangarap.

Gaganap si Seo Joon bilang Park Sae Roy, isang entrepreneur na hindi natitinag sa kanyang prinsipyo sa harap naman ng kawalan ng hustisya at korupsyon.

Ikakagalit ni Sae Roy ang pagkamatay ng kanyang tatay at lalabanan ang food industry conglomerate na si Jang Ga.

Huling napanood si Seo Joon sa kanyang hit romcom drama na What’s Wrong With Secretary Kim kasama ang magaling na aktres na si Park Min Young.

Matatandaang bumisita sa bansa si Seo Joon kamakailan para sa isang fan meeting. Bukod kay Seo Joon, kasama rin sa Itaewon Class sina Kim Da Mi, Yoo Jae Myung at Kwon Nara.

Kabilang sa hit series ni Seo Joon ang Kill Me, Heal Me (2015), She Was Pretty (2015), Hwarang: The Poet Warrior Youth (2016), Fight for My Way (2017), at ang mga folm na Chronicles of Evil (2015), Midnight Runners (2017) at The Divine Fury (2019).

Read more...