NANAWAGAN na ang fans ni Maine Mendoza na iboto siya para sa titulong Ultimate Asian Sweetheart 2019.
Ito ang online poll na isinasagawa ng isang entertainment website at isa ang ang Kapuso TV host-actress sa mga nominado.
Mula sa 100 finalists, 27 na lang ang naiwan sa online search na ito. Ang ilan sa criteria: 16-30 years old, cute at wholesome.
Of course, hindi lang siya star sa sariling bansa kungdi pati na rin sa Asia at sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang mga kalaban ni Meng mula sa Pilipinas ay sina Bea Alonzo, Carlyn Ocampo, Diana Mackey, Franki Russel, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Kisses Delavin, Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.
May panlaban din ang mga bansang South Korea, Indonesia, Japan, India, Vietnam, Thailand at Taiwan.
Hanggang sa Dec. 31, 2019, 12 noon tatagal ang botohan at ang may highest vote sa huling bilangan ang siyang tatanghaling Ulimate Asian Sweetheart 2019.
Samantala, sa Parade of Stars naman para sa 2019 Metro Manila Film Festival nu’ng Linggo na ginanap sa Taguig City, nahawa si Pokwang sa pagiging hysterical ng fans ni Meng nang duman sa harap nila ang float ng “Mission Unstapabol: The Don Idenity.”
Ngayong lang nakasama ni Pokwang si Maine sa movie at sa ginanap na parada, napatunayan niya kung gaano talaga kalakas ang karisma sa tao ng nag-iisang Phenomenal Star, huh!