Magnitude 4.4 lindol sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 4.4 lindol ang Davao del Sur ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:23 ng umaga. Ang epicenter nito ay tatlong kilometro sa silangan ng Kiblawan at may lalim na siyam na kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Digos City; Kidapawan City; Davao City.

Ang mga instrumento ng Phivolcs ay nakapagtala naman ng Intensity III sa Kidapawan City; Koronadal City; Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani.

Intensity II sa General Santos City; Davao City. At Intensity I sa Kiamba, Sarangani.

Read more...