INAASAHAN na lalo pang lalakas ang bagyong Phanfone habang lumalapit sa kalupaan ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration inaasahan na magiging isang Severe Tropical Storm ang kategorya ng bagyo bago ito mag-land fall.
Bibigyan ito ng local name na Ursula pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw (Linggo) o bukas (Lunes).
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon posibleng mag-landfall ang bagyo sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga. Sa Martes ay inaasahan na ito ay nasa Severe Tropical Storm category na.
Ngayong araw ito ay nasa layong 1,365 kilometro sa silangan ng Mindanao. Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras. Umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugso na hanggang 80 kilometro bawat oras.