Health worker kinatay, ninakawan

NATAGPUANG patay ang isang barangay health worker matapos pagtatagain at pagnakawan pa umano ng mga di pa kilalang salarin, sa Gumaca, Quezon.

Nakilala ang nasawi bilang si Berlin Obligado, 27, residente’t nutritionist ng Brgy. Hardinan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Kinakitaan siya ng mga taga sa kanang braso, likod, at batok.

Nadiskubre ang bangkay ni Obligado sa masukal na bahagi ng Sitio Nalubog, doon din sa Hardinan, dakong alas-2 ng hapon Biyernes.

Sinabi sa pulisya ni Maribel Haquica, 49, na naglalakad siya sa feeder road nang makita ang bangkay ng babae.

Nawawala umano ang bag ni Obligado at pinaniniwalaang tinangay ng mga salarin, ayon naman sa isang ulat sa radyo.

Naglalaman umano ng di pa matiyak na halaga ng pera ang bag dahil kakakuha niya lang ng loan, ayon sa ulat.

Read more...