Vico pagmumultahin ng P500 ang magtatanong tungkol sa lovelife

VICO SOTTO

Pagmumultahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang sinumang magtatanong tungkol sa kanyang lovelife.

‘Yan ang birong komento ng batambatang alkalde nang pangunahan ang pagpapakasal ng 50 magkasintahan sa ginanap na kasalang bayan sa Pasig City kahapon ng umaga.

Sa kanyang official social media accounts, binati ng mayor ang mga bagong-kasal, “Congratulations and Best Wishes to the 50 couples who were married this morning. This was my first time officiating a wedding!”

Dito na nagbigay ng babala si Vico sa kanyang mga social media followers tungkol sa mga magtatangkang mag-usisa kung kailan siya ikakasal, “Ang magtanong ng, ‘eh ikaw kailan ka ikakasal?’ magmumulta ng 500 pesos.”

Kamakailan ay na-link si Mayor Vico sa Kapamilya TV host na at kapwa niya Atenista na si Gretchen Ho matapos makitang magkasamang nanonood ng volleyball game sa katatapos lang na 2019 SEA Games. Pero sa isang interview, sinabi ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na wala pa talaga siyang oras para manligaw at magkadyowa, “Masyadong naging busy po lalo na po ngayon, busy sa trabaho.”

Read more...