Angeline: Hindi ako galit kay Sarah, wag n’yong palakihin isyu…puro kanegahan!

ANGELINE QUINTO

Nakipagsagutan si Angeline Quinto sa mga bashers na nambabastos sa kanya matapos niyang ipagtatanggol si Regine Velasquez laban sa mga fans ni Sarah Geronimo.

Ito’y may konek pa rin sa “credit-grabbing” accusation ng ilang Popsters sa Asia’s Songbird matapos mag-post ang kapatid at manager nitong si Cacai Mitra hinggil sa almost soldout nang tickets sa “Unified” concert. Dumepensa si Angeline para kay Regine na minasama naman ng fans ni Sarah habang may isa namang netizen ang nagpaalala na minsan na ring na-bash noon si Angeline ng mga Popsters.

Tweet ng Kapamilya singer about the issue, “Tapos na yun. Palagi lang tayo dun sa tama. Yung walang masasaktan. Ayos? (heart emojis).” At dahil dito, muling binanatan ng fans ni Sarah ang dalaga matapos mag-tweet tungkol kay Regine.

“Hindi pa yata ako pinapanganak ilang beses ng napuno ni Ms. Reg ang Araneta. Sa pagkakaalala ko (heart emojis). Di nga lang ako nakanood kahit isa kasi nga walang pera (laughing emojis).” mensahe ng singer. Hindi ito nagustuhan ng ilang Popsters kaya kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato nila kay Angeline at puro fake news daw ang ipinakakalat niya.

Sagot ni Angeline: “Hindi naman Fake News ang Nai-tweet ko. Galit na galit kayo. Alam na alam ko ang pakiramdam ng isang Fan. Dahil hanggang ngayon Fan ako. Pero dun tayo sa Tama!

Naging biktima ako ng Fake News na yan! Magsalita ng kahit ano tungkol sa akin? Masasakit? Sanay na ako!”

Aniya pa, “Di ako against kay SG (Sarah Geronimo). Sosss wag niyo palakihin issue. puro kanegahan. 2020 na huuyyy. Panay issue. Kemerut. Boom boom!”

At sa nagsabi namang laos na siya, “Alam niyo Labs, HINDI importante sa akin ang kasikatan. Mapalad na ako may sapat akong pera na kinikita para sa Pamilya ko. Masaya kami at higit sa lahat ang makakanta ako para sa mga taong gusto at mahal ako. Kontento at sapat na. Labyuuu Bashers. Sobra!”

Read more...