LOLIT Solis was bashed left and right even sa kanyang mismong Instagram account when she lambasted Janine Gutierrez.
Obviously, Lolit did not like Janine’s “Oh God” comment sa pagbabalik ni Sen. Bong Revilla sa telebisyon. As reported by a website, ang show ni Bong ang papalit sa show ni Ms. Gloria Romero.
“Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya. The nerve na mag-negative comment siya sa TV comeback ni Bong Revilla. How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won’t be where she is today.
“Alam naman niya siguro ang history ng nanay niyang si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, pinalaki at inalagaan siya, at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz. Dapat sa mga pagkakataon gusto niya magbigay opinyon, nandun ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan ng lolo niyang si Christopher de Leon si Bong Revilla.
“I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip niya more than anyone else, siya dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay chance sa isang tao na gusto bumalik sa pinanggalingan niyang mundo. Buti na lang isa lang talent ng GMA si Janine Gutierrez, just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong Revilla.
“A piece of advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo.
“Love thy neighbor, dahil kundi sa kanila hindi ka naging Janine Gutierrez. Sayang, love pa naman kita, now takot na ako dahil baka maging judgemental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag rate mga ginagawa mong project.”
That was Lolit’s aria sa IG account niya at ang kasunod nito matinding pamba-bash sa kanya.
“Feelingera naman ang estupidang matandang Lolit na to.”
“Bakit, dahil nagbigay ng opinion pati magulang damay. Kung yang taong YAN …SIYA ang dapat mo pagsabihan. Tax payer si Janine. Dapat lang at may karapatan magbigay ng opinion.”
“Nagmamagaling akala niya siya lamang ang may karapatang magsalita sa tao.”
“Ay si Lolit gusto magpapansin.. Just spell SHAME for Lolit.”
“Naku Lolit totoo nga naman respetuhin mo ang katandaan mo, maawa ka walang masama sa OH GOD dahil di mo alam ang meaning nya’n dahil pera lang sa isip mo.”
“Kahit D naging blockbuster , still shes a good actress! With great background!”