Bakit puro lalaki ang laging pumupunta sa condo ni sikat na male celeb?

MAY kaibigan ang aming source na nakatira sa isang condo. Sa lugar ding ‘yun nakatira ang isang kilalang male personality. Nagtataka ito kung bakit maraming kalalakihang palaging nagpupunta sa unit ng aktor.

Binusisi ng kanyang kaibigan ang aming source, tanong ito nang tanong kung bakit, nagtataka na raw kasi ang mga nakatira du’n kung bakit puro lalaki ang bumibisita sa aktor.

Kuwento ng aming source, “Ayaw akong tantanan ng friendship ko, talagang inuurirat niya ako bakit palagi raw may nagpupuntang guys sa unit nu’ng male personality.

“Ako naman, wala akong masabi, kasi nga, hindi ko naman nakikita ang mga nangyayari, puro kuwento lang ang nakararating sa akin!

“Pero bakit nga ba? Marami namang kaibigan ‘yung male personality na nakatira du’n, pero bakit puro guys ang nagpupuntahan sa unit niya?” unang chika ng aming impormante.

Hanggang sa nagtanung-tanong ang aming source, kinausap nito ang mga kaibigan ng male personality, nalaman nito kung bakit.

Patuloy ng aming source, “Kasi, sabi ng mga friends ng male personality, e, du’n daw sa unit niya palaging nagkikita-kita ang grupo para sa prayer meeting nila.

“‘Yun daw kasi ang pinakamalapit na place sa panggagalingan nilang lahat. Kumbaga, du’n lang din sa lugar kung saan nakatira ang male personality ang ikot ng trabaho ng halos lahat sa kanila.

“So, ‘yun naman pala kasi ang reason kung bakit madalas magpunta sa unit ng male personality ang mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho, prayer meeting pala ang dahilan.

“Alam n’yo naman ang mga mata ng ibang tao, naglalagay agad ng malisya, porke puro lalaki ang nagpupunta sa unit nu’ng male personality, e, iba na agad ang interpretation nila!

“Kung anu-ano na ang naglalaro sa utak ng mga nakakakita, lalo na nga’t matagal nang questionable ang gender nu’ng male personality!

“Wala naman palang nagaganap na milagro, prayer meeting naman pala ang pinagkakaabalahan nila. Pero may tanong pa rin ang mga uzi, wala raw ba silang mga ka-prayer meeting na babae?

“Bakit daw puro lalaki ang nagpe-prayer meeting? Naku, hindi ko ‘yun naitanong sa mga kaibigan ng male personality nu’ng mang-usisa ako!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mauupo kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan sa panghuhula?

Read more...