Maraming na-touch sa ipinost na birthday greeting ni Carla Abellana sa Instagram para sa kanyang “yaya”.
Nag-celebrate ng kanyang kaarawan kamakalawa ang personal assistant niyang si Anna Autor at sa kanyang IG account, nag-post ang Kapuso actress ng litrato nilang dalawa na may caption na, “Happy Happy Birthday to my hard-working and dedicated Personal Assistant, @annaautor1!!! I love you, An!
“Wag na wag mo ako iiwan dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag wala ka. SALAMAT sa pagmamahal at pag-aalaga mo sakin. Lagi kang nandiyan para sakin at hindi mo ako pinababayaan,” pahabol pa ni Carla.
Binati rin ng mga kaibigan ni Carla sa showbiz ang kanyang yaya at nagsabing maswerte ang aktres sa pagkakaroon ng loyal at masipag na kasambahay.