NAPILITANG sumakay sa motorsiklo ang girlfriend ni Juancho Trivino na si Joyce Pring para makarating sa oras sa event na ihu-host niya somewhere in Ortigas.
Naipit sa matinding traffic si Joyce mula sa Makati papuntang Ortigas. Eh, dahil 30 minutes na siya sa sasakyan at hindi na sila umaandar dahil sa bumper to bumper traffic, nagdesisyon na ang Kapuso TV host na mag-book sa Angkas.
“So I got out of my car, booked for an Angkas, took off my heels, put on some pants on top of my dress, and rode at the back of kuya who brought me to work ON TIME.
“What a life we are living, Manila traffic!!!” bahagi ng caption ni Joyce sa Instagram kalakip ang litrato ng suot at pag-angkas sa motor.
Ipinagdiinan din ng GF ni Juanco ang pagiging professional sa lahat ng ating ginagawa sa kabila ng problema ng bansa sa traffic. Aniya, “We must always operate on professionalism and respect for the people we work with. Be on time, make no excuses, and when you make mistakes, know how to apologize and be better.”
Sa totoo lang, walang exempted sa traffic ngayon sa Metro Manila kahit na ang mga kilalang personalities at politicians kaya pairalin ang abilidad!