Cacai nakiusap sa Reginians: Wag nang patulan ang Popsters

Nakiusap ang sisteraka at manager ni Regine Velasquez na si Cacai Mitra sa fans ng Asia’s Songbird na huwag nang patulan ang bashers na nagsasabing inaangkin niya ang credit sa almost soldout concert na “Unified”.

For the first time magsasama sa isang major concert sina Regine at Sarah pero nabahiran ito ng kontrobersiya nang akusahan ng ilang Popsters na masyadong pabibo si Cacai dahil hindi nito tinag ang Popstar Royalty sa tweet nito na malapit nang ma-soldout ang tickets sa concert.

“Guys hwag nyo na patulan, hwag na kayong sumagot deadma na lang. AGAIN let’s spread LOVE, RESPECT & POSITIVITY na lang. Pasko na. Just Pray for them. Paikot-ikot lang ang issue… hindi matatapos. Alam naman natin na hindi ganyan mag-isip si @JustSarahG so love love na lang,” mensahe ni Cacai.

Read more...