Niresbakan ni Pokwang ang mga bashers na nagsabing kacheapan ang style ng comedy sa Pilipinas.
Hindi pinalampas ng komedyana ang panglalait ng mga netizens sa mga tulad niyang pagpapatawa ang ikinabubuhay.
Isang Twitter user ang nag-share ng isang article na naglalaman ng pahayag ni Pokwang tungkol sa mababang tingin ng ilang Pilipino sa mga Pinoy comedian. Dito nasabi ni Pokey na naranasan din niyang malait dahil sa pagiging komedyante. Nagbigay siya ng reaksyon matapos magpahayag si Vice Ganda sa presscon ng pelikulang “The Mall, The Merrier” na hindi dapat maliitin ang comedy film dahil katulad din ito ng ibang uri ng pelikula tulad ng drama at aksyon.
Ito naman ang sey ng basher sa naging pahayag ni Pokey, “Cheap version of comedy deserves cheap treatment.” Na sinagot naman ng komedyana ng, “Maka cheap na version of comedy ka naman… HUY!!!! kaya mo ba ginagawa namin potah ka? Basahin mo mabuti sinabi koba wag kang tanga! Merry Christmas ulol!!!”
Isa pang netizen ang sinagot ni Pokwang na nagkomento na dapat mag-level up at maging informative ang comedy sa Pilipinas para may matutunan din ang mga manonood bukod sa pagtawa.
Buwelta sa kanya ni Pokwang, “Sige nga educate me, enlighten me kung ano para sa inyo ngayon ang basehan ng mataas na uri ng comedy? Baka mairekomenda ko kayo sa network bilang writer at creative director, kailangan nila ngayon yan.”
Sagot naman ng netizen, “Hindi po ako writer, pero pwede kong i-suggest na HUWAG gawing katatawanan ang mga sumusunod: -kulang o higit ang talino -kulang o higit ang yaman -may kapansanan sa isip o katawan -iba ang kulay ng balat o punto ng pagsasalita.”
Sagot naman ni Pokwang, “Hindi po ako ganyan mag joke sorry… mukhang di monpa ako napapanood kaloka ka!”