Miss U 2019 pinatumba sa rating nina Boobay at Tekla

BOOBAY AT SUPER TEKLA

Pinataob ng The Boobay And Tekla Show ang replay ng Miss Universe 2019 pageant last Dec. 15, Sunday.

Sa episode na ito, ang pakontes ng TBATS na “Mr. Palito 2019” ang bagong paandar ng programa. Humamig ang nasabing episode ng TBATS nina Super Tekla at Boobay ng 5.1 percent national TV rating habang ang nakatapat na programa ay nakapagtala lang ng 1.5 percent, huh!

Sa totoo lang, mas feel tumawa ng mga manood kesa ulitin ang panonood ng Miss Universe kung saan talunan naman bet ng Pilipinas na si Ganizi Ganadso na umabot lamang hanggang sa Top 20!

This coming Sunday, ang Christmas episode naman ng TBATS ang tiyak na magpapasakit ng tiyan ng mga manonood dahil sa mga bago nilang pasabog!

Read more...